Wika ng Industriya, Binibigkas ng Masa
Sa ating lipunan,sekundarya ang industriya.Nauunawaan nga ba ng bawat isang mamamayan ang ibig ipahiwatig ng industriya sa ating buhay? Marahil ay hindi lahat may kagustuhang umunawa pero lingid ba sa kaalaman natin na isa ito sa dahilan kung bakit tayo nabubuhay? Industriya and nagbibigay ng hanapbuhay sa atin. ito rin ang pangunahing pinagkukunan natin ng pagkain at iba't ibang pangangailangan sa ating buhay.
ANO NGA BA ANG MGA BUMUBUO DITO?
PAGMAMANUPAKTYUR
Ito ay isang gawain ng pagbabago sa isang hilaw na materyales upang maging isang kapakipakinabang na produkto. Kinasasangkutan ito ng paghahanda, paghuhubog, at pagbabago ng mga materyal sa pamamagitan ng iba't ibang pamamaraan. Ito ay maaaring mahati at makamit sa pamamaraang makinarya o mekanikal.
PAGMIMINA
Ito ay isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga bagay mula sa lupa. Ito ang prosesong ginagamit sa mga bagay na hindi maaaring mapalago o malikha. Nahahati ito sa dalawang klasipikasyon: strip mining at underground mining. Sa ating bansa isa sa mainam na minahan ay ang Puerto Prinsesa sa Palawan kung kaya't ngayon ay ipinagbabawal na pagmimina sa lugar na ito. Nakakasira ang pagmimina kaya't patuloy itong sinosolusyunan.
SERBISYO
Ang salitang serbisyo ay tumutukoy sa salitang paglilingkod. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing nakatutulong sa bawat isa sa ating paligid. Iba iba rin ang uri ng serbisyong ginagampanan ng bawat isang kasapi sa ating lipunan. Ang mga produkto ay naaayon din sa mga serbisyong nagagawa ng bawat manggagawa. Ang serbisyo publiko ay isang kategoryang nagsusulong ng serbisyong isusulong sa pamahalaan ng Pilipinas. Bawat mamamayan ay may kani-kaniyang responsibilidad na dapat gamanpanan at mga bagay na dapat gawin. Ang lahat ng ito'y magiging isang malaking kapakinabangan para sa pagpapaunlad ng ating industriya.
KONSTRUKSYON
Ito ay isang gawaing nakapaloob sa larangan ng arkitektura at inhinyeriyang sibil kung saan ginagamitan ito ng pagbuo, pagtatayo o pagbubuo ng iba't ibang gusali. Ang iba't ibang gusaling ating mtatagpuan sa ating paligid ay bunga ng mga paghihirap ng bawat manggagawang may kaugnayan sa pagkokonstruksyon. Mahirap at kumplikado ang gawaing ito sapagkat ito'y nangangailangan ng lubusang potensyal, pagiingat at pagod. Ang kitang nakukuha ng mga trabahador ay hindi nagiging sapat lalo na sa panahon ngayon.
KAHALAGAHAN NG INDUSTRIYA
- Nagbibigay sa atin ng iba't ibang uri ng hanapbuhay
- nakapagbibigay ng suplay ng dolyar sa bansa
- nagpoproseso ng mga hilaw na materyales upang makagawa ng produkto
- nakagagamit ng mga makabagong teknolohiya
- nagsusuplay ng mga yaring produkto
Suliraning Kinakaharap ng Industriya
- kakulangan ng suporta at proteksiyon mula sa pamahalaan
- pagpasok ng mga dayuhang kompanya at industriya
- pagiging import dependent ng mga industriya
- kawanan ng sapat na puhunan dahil hindi angkop ang proyekto
Solusyon sa mga Suliranin
- pagkakaloob ng pautang sa mga lokal na negosyante
- pagbibigay ng subsidy at insentibo sa mga maliliit na kompanya
- pagbibigay ng prayoridad sa mga pangangailangan ng industriya
- paglinang sa yaman ng bansa
- paghikayat sa mga dayuhang kompanya na huwag makipagkumpetensya sa mga lokal na industriya
UNYON NG MGA MANGGAGAWA
BATAS NG MANGGAGAWA
- Batas Republika 8187
- Batas Republika 679
- Batas Republika 1131
- Batas Republika 7610
- Batas Republika 772
- Batas Republika 1052
MGA LARAWAN NG PAGGAWA
- manggagawa : Pisikal at mental
- pisikal: skilled, semi-skilled,unskilled
- sahod: wage, rate, minimum wage, nominal wage, real wage
MGA TEORYA UKOL SA SAHOD
- Marginal Productivity Theory
- Wage Fund Theory
- Subsistence Theory
MGA PARAAN NG MANGGAGAWA
1. Boykot
2. Welga
3. Piket
4. Sabotahe
5. Pagtanggap ng scab
6. Espiya
7. Open shop
MGA PARAAN NG PANGASIWAAN
1. Blacklist
2. Yellow Dog Contract
3. Lock out
4. Injunction
5. Closed Shop
Ang lahat ng mga ito ay nakapaloob sa industriya kung saan nakikita ang kapakinabangan at importansya ng bawat ito.
-krystel colleen q. urriza-
x-seton